Jesus Christ Our Banner-Japan
Jesus Christ Our Banner Japan 2010  
      All rights reserved
.
We are Filipino Christians whose passion is to see the gospel of the Lord Jesus Christ  
shared to all people
You need Java to see this applet.
News and Events
Numazu 10th Anniversary June 13, 2011
EVANGELIZE TO GROW AND GROW TO EVANGELIZE
Sis .Luz Manligas
Papuri at pasasalamat sa ating Panginoong Dios sa nakaraang ika-sampung (10th) anibersaryo ng Numazu Outreach
noong June 12,2011 sa Ooka Community Center. Damang-dama ang presensya ng ating Panginoong Hesus at pagkilos
ng Banal na Espiritu. Sa pag-aawitan at pagpupuri pa lamang ay naramdaman na ang kapuspusan ng bawat isa,
Hanggang sa mensahe na "Evangelize to Grow and Grow to Evangelize" ng ating mensahera na si Ptra Evelyn Kato ng
Fuji Outreach na puspos ng Banal na Espiritu. Sinahugan ng dulang "Kisapmata" ng mga kinatawan ng buong
Shizuoka Outreaches. Tunay na nag-uwi ng pagpapala at hamon sa marami lalo na sa pamilya ng Numazu ang
napapanahon mensahe, na lahat ng mga anak ng Dios ay kailangang magsipag sa gawain ng pag-ebanghelyo sa
tulong ng Banal na         Espiritu.Sumayaw  ang mga kabataan ng Numazu outreach na angkop sa tema ACTS 1:8 sa
Victory Dance Presentation ng lahat na dumalo sa pagtatapos ng programa. Taos-puso kaming nagpapasalamat sa
lahat na kapatiran ng Fuji, Gotenba, Shizuoka-Yaizu-Fujieda Outreaches at ang mga naging panauhin na nakibahagi
sa pagdiriwang na ito. Isa na po rito ay si Ms Pao Beset kinatawan ng PNB Tokyo na nagbigay ng mga pinakahuling
balita sa mga programa at serbisyo nila para sa mga Filipino dito sa Japan.Binabalik namin ang kapurihan at
karangalan sa ating Panginoon. . Grow, Glow, and Go! Amen!!!